- Mood:
Miserable - Listening to: Wanna be free - Lee Seung-Yeon
- Reading: nothin
- Watching: PC Screen
- Playing: Heroes of Newerth
- Eating: nothin
- Drinking: RealLeaf
[Sorry Filipino only]
Nung isang araw ay nag enroll ako para sa 2nd sem, pakatapos ma kumpleto yung inc. issue ko sa isang major ko ay pwede na i-encode yung mga subjects na kukunin ko, mga late na ng hapon ng maka pa encode na ako, mga before 5pm. (gusto ko nang umuwi dahil malakas na ang bagyo) Dalawa ang rason kung bakit na badtrip ako nung hapon na yun. Una, di ako naka enroll sa isang major (Animation 1) dahil ayaw nila isabay ito sa pre requisite nito (kahit na may mga ibang tao na nasabay ito), simple lang naman ang sinabi ko eh, fair naman ata, Pag nabagsak ko po yung pre requisite eh di wag niyo I-credit yung major na kinuha ko , bawal raw eh, sabi raw nila yun raw ang rule, eh kung alam ko lang pala na ito ang mangyayari eh nag shift na lang ako nung pang 1st sem, kasi nang kinukuha ko yung pre requisite eh bawal raw kasi sem exclusive. (di na lang sana nila linagay sa subject list nung enrollment) Ang pangalawa at saka kung bakit ako badtrip na badtrip ay kung pano pina encode yung mga subjects ko, walang ka privacy privacy (Tang ina talaga), palibasa wala yung chairperson sa office ay relax yung mga tao dun (pasarado na yung office, mga 4:45pm ako naka pa encode at ang labasan ay 5pm, kaya wala na masyadong ginagawa ang ibang mga teacher sa office maliban dun sa pinapa encodan ko) May nauna sakin na kaibigan ko rin na nag papa encode ng subjects niya medyo nailing lang ako dahil nung nag papa encode siya ay may mga upperclassmen na nanonood sa screen ng computer (dapat private yun, ang teacher lang na nag eencode ng subjects saka yung student LANG DAPAT ang nakakakita nun, unless puro A+ ang grades mo, why not?), nag simula ang lahat nang mag joke na tungkol sa grades ng kaibigan ko ang teacher, sabi niya nun ay, WOW! A flat ang grades mo rito ha pakatapos nun ay sunod sunod na joke na ang pinalabas ng teacher saka nang ibang mga upperclassmen, ang panget pa dun ay sumabay ang ibang teacher na walang ginagawa, lahat ay nakatutok sa computer screen at nagtatawanan, nasa may likudan lang kami ng isa ko pang kaibigan, tamang smile lang. (tinitingnan ko siya habang nag fi-fill up ng form niya, kami kasi ang susunod na mag papa encode dun sa isa kong kaibigan na pinag ti-tripan), sumunod na yung turn ko and guess what, walang diperensya ang pag trato sakin, wait, mas malala pa pala yung pag trato sakin. (tang ina talaga!) Nag sabi ang teacher ng malakas na WOW! Nag A flat ka rin pala ha!, paka sabi niya nun ay lahat ay nagtinginan sa screen ng computer, kasama yung ibang teachers, lahat nag tatawanan, lahat may sinasabi kung anu anong putang ina (mayroon akong isang semester, last year, na napabayaan, karamihan ay AF remarks, meaning failure due to absences, yun ang joke nung teacher na A-Flat ang grades, meaning ay AF ang grades), naka smile na lang ako nun, pero sa loob looban ko ay nababadtrip na ako. Tang ina kung humusga sila ng tao ay binabase nila sa grades, nung last year ko pa naman yun ha! Isa pang nag dagdag ay yung isang teacher ko, nag tanong nun na Bakit ba nag ka AF-AF ang mga grades mo noon? (Alam niya naman ang sagot dahil sinabi ko sakanya nung last year ng nag pa encode ako sakanya, dahil sa computer games. Di ko lang alam kung bakit niya tinanong nun, ano ba ang point niya? Papahiyain niya lang ata ako sa mga tao dun sa office ha) Nag sagot ako ng mahina na Alam mo naman sir eh at tumalikod ako at tumutok ulit sa computer screen dahil pinapa pili ako ng mga schedule ng mga subjects na gusto ko. (pero di naman talaga ako maka pili ng maayos, kung anong ibigay sakin na satingin ko ay ok na ay ok na, gusto ko na kasi matapos yun ng mabilis, parang di ko na kayang matiis mga tao dun, pinag tatawanan ka, may sinasabing mga putang ina tungkol sa past grades mo habang pinapapili ka ng schedule, tang ina talaga) Habang pinipili ko ang oras na gusto ko sa mga subjects ko ay narinig ko sa likod yung teacher na nag tanong sakin na may mga sinasabi DOTA-DOTA kasi eh at sinasabi niya ito ng malakas, may mga ibang upperclassmen na nakisabay sa sinabi niya, nag sasabi na kung ano anong mga putang ina nanaman.
Disappointed ako sa mga teacher nun, rinerespeto ko pa naman sila, pero kung ganon lang naman pala eh sorry, nawala na ang malaking bahagi ng respeto ko sainyo. Alam ko kung ano yung tamang Joke na pwedeng ma tolerate ng isang tao, pero yung ginawa nila, para sa kanila ay nakakatawa, para sakin hindi.
Nang na print na yung schedule ko ay lumabas na kami ng 2 kong kaibigan sa office, biglang sinabi ng isa na, alamin mo na kung ilan babayadan mo. (nakalagay na kasi dun sa schedule yung payment for the semester, meron apat na payment options ranging from highest to lowest) Dali dali kami bumalik pumunta ako sa teacher na pina encodan ko, (kasama niya pa yung mga upperclassmen sa office) sabi ko na kung pwede malaman po yung mga payment options (Umalis na kasi yung chairperson na mag pipirma sa sched kaya iniwan muna ito dun, normally paka pirma ng chairperson kukunin mo na ang sched mo para maka bayad sa treasurer) at nung nakita ko ay biglang sinabi niya ay Bigay mo sakin number ng nanay mo, t-text ko sakanya yung mga payment options, baka may pursyento ka pag hingi mo sakanya eh (linabas niya ang cellphone niya pakasabi niya nun, Di ko alam kung joke yun o seryoso siya, pero sure na tumawa yung mga upperclassmen) Sabi ko, di naman ako ganyan sir, saka tinanong niya, Ano ba yung sinabi ng nanay mo nung makita yung grade mo noon? (nang matanong niya yun may mga sinasabi nanaman na kung ano ang mga upperclassmen) Sabi ko ay yun sir
habang palabas sa office kasama mga kaibigan ko.
Alam ko, walang ibang may kasalanan ng grades ko noon kung hindi ako, pero nag bago na ako, since last summer pa at ang katatapos lang na sem. Di ko lang alam kung papatuloy ko pa tong course ko, sa tingin ko mag sshift ako after ng sem na to.
KUNG ANO MAN PO NA MABABASA MO DITO, PLEASE LANG IWAN LANG NATIN DITO
--
"Oh I forgot how to breathe, help me remember, I'm so stupid, EHH!"
~ Norbert imitating Daggett (The Angry Beavers)
--
~There are too many options in the world. So why limited yourself to just one?~
--
"This is either a forgery or a damn clever original."
--
~There are too many options in the world. So why limited yourself to just one?~
--
"This is either a forgery or a damn clever original."
--
"This is either a forgery or a damn clever original."
Previous Page12345...Next Page